Miyerkules, Agosto 9, 2017

Mga Kayamanan Sa Museo de Parian!



"Life is a voyage in time. Traveling it leaves you speechless, then turns you into a storyteller."

Hindi mawawala sa barkada, tropa, kaibigan o travel buddies ang pahirapan sa pagpla-plano nang isang lakad lalo na kung ikaw ang lead organizer sa grupo. 

Nariyan ang mga eksenang tanongan na "Magkano ang budget, sabihan mo lang sa akin para makapaghanda ako" madalas ang iba ay sinabihan ka na "Hindi ko pwede kasi busy ako" kung hindi ganito naman "Wala akong budget!". Pero hindi mo matitiis ang hindi sumama sa dahil hindi mo matiis ang mga barkada o baka sa kaingitan rin. Sabihin man natin na busy ka o walang budget pero maghahanap ka pa rin nang paraan para makasama lang sa kanilang paglalakbay.

Sa bandang huli ay sumama rin ako dahil inggit na inggit ako sa kanila marahil muntik ako hindi makasama pero nakahanap pa rin ng paraan para makasama lang. Ang barkada para lang iyang pamilya, hindi natin makikita ang diwa ng barkada kung may kulang na isa.

Sa aming paglalakbay narandaman namin ang saya na hindi namin kayang ipaliwanag at nakapulot kami ng iba't ibang mga aral tungkol sa lugar na tinatawag na Parian!, sabi ko nga sa sarili ko "Isa ito sa hindi ko makakalimutang paglalakbay dahil 2 in 1 ito. Sumaya na ako, Natuto pa ako!.







 Hindi ko na kailangan siguro ipaliwag kung gaano kami kasaya sa aming paglalakbay dahil iyo nang makikita sa larawan pero sa kabila ng kainitan at pagod, ito ay nawala na parang bula dahil sa saya na iyong naramdaman. Maraming Salamat! sa Pagsama sa aking Paglalakbay.